Pagpasok ko
ng Tanghalang PUP, ang pinagdausan ng ‘Titser ng Bayan’ na isang dulaang
tinampukan ng mga guro at propesor ng Kolehiyo ng Arte at Literatura bilang mga
pangunahin at sekundaryang karakter ng nasabing pagtatanghal, ako ay namangha
sa setup nila sa stage. Mayroong mga takip ng electric fans, mga lumang upuang
pangsilid-aralan, at isang maputing tela na may bughaw na ilaw sa likod nito na
nagbibigay ng magandang effects sa kabuuan ng stage.
Hindi ko
ring aakalaing puno ang teatro nang oras na iyon ng mga manonood, marahil ay
kailangan nilang manood o hindi kaya’y gusto nilang suportahan ang mga propesor
nila. Naalala ko din habang nasa loob ako ay ang mga karanasan ko sa Cultural
Center of the Philippines, isa sa pinakakilalang tanghalan sa bansa, dahil
mayroon silang panimulang kanta panghanda sa mga manunuod. Naalala ko rin kung
paano nila nabago ang hitsura ng Tanghalang PUP na kadalasa’y mukhang garahe
lamang.
Hindi ko
inakalang mga nagtuturo sila, akala ko ay kumuha pa ng mga magsisiganap para
lang sa dulaang ito. Napakagagaling nila, isinasagawa talaga nila kung ano ang
tinuturo nila at doon ako namangha. Hindi sila nakitaan ng kiyeme sa pag-arte
at maging ang kastriktuhan na alam naman nating mayroon ang ibang propesor sa
kolehiyo.
Nung unang
parte ng dula, napansin ko na parang maka-aktibista ang ipinapahayag nilang
mensahe sa amin, kaya doon ay nagulantang ako, kasi umiiwas ako sa mga ganoong
bagay, ngunit napansin kong karugtong iyon sa buong dula, iyon ang espirito ng
dulaan – prinsipyo. Nagustuhan ko ang mga kwelang karakter at ang mga makukulay
pang ibang gumanap sa iba’t-ibang tauhan.
Mayroon akong natutunan na isang bagay sa dula, na kapag gusto mong magkaroon ng pagbabago sa iyong lipunan at kumikilos ka para dito, ikaw ay tinuturing na isang 'teacher ng bayan'.
Mayroon akong natutunan na isang bagay sa dula, na kapag gusto mong magkaroon ng pagbabago sa iyong lipunan at kumikilos ka para dito, ikaw ay tinuturing na isang 'teacher ng bayan'.
No comments:
Post a Comment